Recent Posts

Breaking News

Kelot sinagip ang naanod na kalabaw sa ilog, nawala

Nawawala pa rin ang isang 39-anyos na mangingisda na tinangay ng baha matapos tangkaing sagipin ang isang naanod na kalabaw sa ilog sa Catanauan, Quezon sa kasagsagan ng bagyong Ulysses kahapon.

Kinilala ang biktima na si Sandie Abenilla, residente ng Barangay 1 -Poblacion.

Ayon sa report ng Catanauan police, dakong alas-10:00 ng umaga, kasagsagan pa ng pag-ulan at laki ng tubig-baha sa Catanauan river nang makita ng biktima ang isang kalabaw na tinatangay ng baha.

Sa kagustuhang mailigtas ang hayop, tumalon sa ilog ang biktima at hinabol ang kalabaw.

Subalit parehong naanod na ang dalawa.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO, BFP, PNP subalit nabigong makita ang biktima.

The post Kelot sinagip ang naanod na kalabaw sa ilog, nawala first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kelot-sinagip-ang-naanod-na-kalabaw-sa-ilog-nawala/)

Walang komento