Recent Posts

Breaking News

Japeth aminadong umalat laro nang sumuway sa quarantine

Naapektuhan si Ginebra star Japeth Aguilar matapos siyang mapanagot sa naging paglabag nito sa quarantine protocol ng gobyerno noong Hulyo.

Matatandaan na kumalat ang ilang larawan kung saan nakasama si Aguilar sa five-on-five pickup game, kahit pa pinagbabawal pa ito noon dahil sa COVID-19 pandemic lockdown.

Pinarusahan si Aguilar, kung saan pinagmulta siya ng P20,000 ng PBA, at sinailalim din sa swab test at 14-day quarantine.

Ayon sa PBA cager, natigil siya nang matagal sa pag-eensayo at bumalik lang bago pumasok sa PBA bubble.

“Parang nagmamadali para mabalik yung rhythm and condition. Nag-try akong humabol. Tyinaga ko lang talaga,” saad ni Japeth.

Unti-unti namang bumalik ang laro ni Japeth, na ngayon ay nag-aaverage ng 14.2 points at 6.8 rebounds sa 2020 PBA Philippine Cup.

The post Japeth aminadong umalat laro nang sumuway sa quarantine first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/japeth-aminadong-umalat-laro-nang-sumuway-sa-quarantine/)

Walang komento