Recent Posts

Breaking News

Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series, libong netizen natuwa!

Top 1 trending sa Twitter ang dating First Lady na si Imelda Marcos matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa isang sikat na Netflix series na ‘The Crown’.

Ngunit sinama ang pangalan ni Marcos hindi para purihin, kundi tila kinantyawan pa ang accent ng ex-first lady na nasentensyahang guilty sa graft ngunit hindi pa nakukulong.

Sa ikatlog episode sa Season 4, kinuwento ni Princess Margaret, kapatid ni Queen Elizabeth II, kung paano niya nakilala si Imelda noong magtungo siya sa Maynila.

“She makes a beeline straight for me, saying she’s desperate to show me her… wait for it… shell collection,” biro ni Princess Margaret, na ginampanan ni Helena Bonham Carter.

Si Imelda ay sikat sa pagiging shoe collector, ngunit sa serye ay shell ang ginamit na patama sa pananalita ng Ingles nito.

Sa social media, libong mga netizen ang nasiyahan sa patama ng ‘The Crown’ kay Imelda.

The post Imelda Marcos pinagtripan sa Netflix series, libong netizen natuwa! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imelda-marcos-pinagtripan-sa-netflix-series-libong-netizen-natuwa/)

Walang komento