Recent Posts

Breaking News

Iligal na minahan lagot kay Duterte

Pinatutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktibidad ng mga iligal na minahan na posibleng nagdulot ng landslide kasunod ng mga sunod sunod na bagyo sa bansa.

Inurusan ng Pangulo si Environment Secretary Roy Cimatu na alamin ang mga iligal na minahan sa bansa lalo’t nagdudulot ito ng pinsala sa lupa.

“Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa. That’s why, kapag ano… landslide. It loosens the soil. So kaya ang mining, maraming butas, yan ang i-control mo,” saad ni Duterte habang nasa Cagayan nitong Linggo.

Tugon naman ni Cimatu, alam na nila ang mga hazard prone area at kanila nang naaksyunan ang mga nagmimina dito.

“So illegal mining itong mga lugar na namatay so we have filed cases already and cease and desist order for these people. So ito na-address na natin,” saad ni Cimatu.

The post Iligal na minahan lagot kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iligal-na-minahan-lagot-kay-duterte/)

Walang komento