Recent Posts

Breaking News

Hontiveros: Face mask ipamigay sa mga evacuation center

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) at Department of Interior ad Local Government (DILG) na mamigay ng libreng face mask at alcohol sa mga evacuation center para maprotektahan ang mga survivor ng bagyong Ulysses sa COVID-19.

“Kung akala natin malala na ang sitwasyon ngayon, mas lalala pa kung magiging COVID superspreader ang mga evacuation center natin. Para sa karamihan ng nasalanta, lahat na nga ay nawala sa kanila, tapos, magkakasakit pa sila? Tulungan natin silang umiwas sa COVID-19,” ani Hontiveros.

“The last thing we need is for our COVID cases to spike again. Hirap na hirap na tayo sa patuloy-tuloy at patong-patong na krisis,” dagdag pa nito.

Buko diyan, dapat magpadala din ang DOH ng mga doktor sa mga evacuation center para masuri ang sintomas at iba pang health concern, lalo na ang mga senior citizen, mga bata at mga ‘immunocompromised’.

“This will help us keep the survivors of Typhoon Ulysses safe while their communities are being restored and rebuilt. We may have rescued them from dangerous flooding, but let’s not put them at risk of a dangerous virus,” ani Hontiveros.

“This is worse than Typhoon Ondoy. Not only did this trigger one of the worst flooding in history, it also happened in the middle of a pandemic. In whatever way the government can make this time easier, we must,” pagtatapos nito. (Dindo Matining)

The post Hontiveros: Face mask ipamigay sa mga evacuation center first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-face-mask-ipamigay-sa-mga-evacuation-center/)

Walang komento