Recent Posts

Breaking News

Halos 2M wala pa ring kuryente

Unti-unting ibinabalik ng Manila Electric Company (Meralco) ang kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyong Ulysses.

As of 12 PM, bumaba na umano ang bilang mga kostumer ng Meralco na walang kuryente sa 1.94 milyon mula sa 3.8 milyon ng alas-5:00 ng madaling-araw nitong Huwebes.

“As the weather improves, you will see the number of customers that will have electricity continue to increase by that time we will already be able to restore in areas we will be capable of restoring facilities,” saad ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga sa isang ulat.

“Kailangan namin antayin na humupa ang baha bago kami makapagtrabaho, hindi puwedeng mag-restore ng kuryente habang andun ang baha [dahil] lubha pong napakadelikado para sa aming mga line personnel at higit sa lahat sa aming mga customer.

“Humihingi kami ng pang-unawa para ma-manage ang expectations ng mga customer,” dagdag niya.

The post Halos 2M wala pa ring kuryente first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-2m-wala-pa-ring-kuryente/)

Walang komento