Recent Posts

Breaking News

Gumaling sa COVID sa Western Visayas 15K na

84.38 porsiyento ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas ang nakarekober na mula sa sakit.

Ayon sa regional case bulletin na nilabas kahapon ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development, sa 18,470 virus case doon ay 15,586 na ang gumaling, kabilang ang 108 bagong recovery.

Samantala, may 2,401 ang aktibong kaso ng coronavirus sa rehiyon matapos maiulat ang 98 bagong kaso.

Habang may anim pang na-verify na yumao kaya 483 na ang total.

The post Gumaling sa COVID sa Western Visayas 15K na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gumaling-sa-covid-sa-western-visayas-15k-na/)

Walang komento