Recent Posts

Breaking News

Guiao, NLEX balik agad sa trabaho

Isa ang NLEX sa apat na maagang nag-exit sa Pampanga bubble, konting pahinga lang si coach Yeng Guiao pero planong bumalik agad ng drawing board para umpisahan ang preparasyon sa susunod na season.

Tinapos ng Road Warriors sa ninth place (5-6) ang kampanya sa Philippine Cup kasunod ng 127-101 win sa Terrafirma sa pagtatapos ng eliminations.

Unang move ang komposisyon ng Road Warriors.

“We need to do some administrative chores since we have 15 players, I think, whose contracts are expiring,” anang coach. “So we’ll use this time, from now until probably before Christmas time, to renew the players we feel that we’ll need for the next conference or next season.”

Posibleng January umpisahan ang preparasyon.

Isang inaasahan ni Guiao sa build-up ang dalawang first-round picks nila sa susunod na draft.

“I’m hoping the draft pool will be deep,” rason niya. “If we have those newcomers and we have the core of the team we will be more competitive next year.”

The post Guiao, NLEX balik agad sa trabaho first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/guiao-nlex-balik-agad-sa-trabaho/)

Walang komento