Recent Posts

Breaking News

Grade 12 dedo sa frat hazing

Pumanaw ang isang 21-anyos na senior high school student dahil umano sa initiation rites ng isang fraternity sa Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joselito Enviado, residente ng Sarangani Drive, Barangay San Jose Gusu at Grade 12 na mag-aaral ng Zamboanga City National High School West.

Napaulat na sa gitna ng initiation rites ng Tau Gamma Phi (TGP) fraternity, Trigusu Chapter, habang pinapalo ng paddle ay hinimatay si Enviado kaya sinugod ito sa Zamboanga City Medical Center.

Dineklarang dead on arrival ang lalaki.

Sabi ni Zamboanga City Police Office station 11 chief Maj. Elmer Solon, isa si Enviado sa anim na neophyte na sumailalim sa initiation alas-diyes ng umaga noong isang araw, Nobyembre 15, sa bahay ng isang TGP member sa Barangay San Jose Gusu.

Samantala, 12 sa 18 kasapi ng nasabing kapatiran ang nasa kustodiya na ng pulisya.

Sa ulat ng PNA, kinilala ang 10 sa mga ito na sina Ruben Sebastian, Grand Triskelion; Roldan Paler, 28, External Grand Triskelion; Marcelino ViƱas Jr., 28, master initiator; John Dale Bulalacad, 22; Eryan Alabata, 20; Xavierwyn Sebastian, 19; Cleven Atis, 27; Fidel Cubol, 27; at Azis Camlian, 20.

Ayon kay Solon, nagpapatuloy ang paghahanap sa anim pang suspek. Kakasuhan ang 18 fratmen ng paglabag sa Anti-Hazing Law.

The post Grade 12 dedo sa frat hazing first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grade-12-dedo-sa-frat-hazing/)

Walang komento