Recent Posts

Breaking News

Gobyerno pabaya umano, higit 150 Atenean magsa-strike

Mass student strike ang panawagan ngayon ng mga mag-aaral ng Ateneo de Manila University laban sa anila’y “criminally neglectful response” ng pambansang gobyerno sa mga nagdaang bagyo at sa pandemyang COVID-19 sa bansa.

Ayon sa official student newspaper ng ADMU na The Guidon, higit 150 Atenean ang pumirma sa mass student strike statement, na nagsasabing hindi sila magsusumite ng alinmang school requirement simula Nobyembre 18, 2020 “until the national government heeds the people’s demands for proper calamity aid and pandemic response.”

Ilulunsad anila nila ang strike bilang pakikiisa sa mga estudyante na biktima ng mga Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses, at health crisis na COVID-19.

Bagaman kinikilala ang effort ng pamantasan para isara ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kaya at hindi kayang makapagpatuloy sa pag-aaral, isasakripisyo anila nila ang kanilang access sa edukasyon para sa mga biktima ng mga nasabing sakuna.

Pinatututok ng mga lumagda ang buong Ateneo community sa pagtulong sa mga nasa Cagayan, Isabela, Kabikolan, at iba pang lugar sa bansa na pinakahinagupit ng mga kalamidad.

Binigyan din nila ng dalawang pagpipiliian ang pambansang gobyerno: kumilos na o bumaba sa kanilang mga posisyon.

“We can no longer stomach the ever-rising number of deaths due to the state’s blatant incompetence. We cannot prioritize our schoolwork when our countryment are suffering unnecessarily at the hands of those in power,” ayon sa strike statement.

“We strike in solidarity with the students who are victims of calamities and of COVID-19, who cannot be expected to catch-up with their studies within three to five working days. From the beginning, no student should have been left behind.”

“We acknowledge the university’s efforts in attempting to close the disparity between those who can afford to go on with schooling and those who have trouble doing so. However, we see that it is not enough in these times of turmoil to simply.”

“We cannot sit idly by and do our modules, ignoring the fact that the Philippine nation is in shambles. We sacrifice what we have (that is, our access to education) for those who do not share our privileges. We go down the hill to help and empower those in need, as we have been taught in our classes. We fight back against inhumane and unjust systems that favor the elite few over the lives of the many,” anila pa.

The post Gobyerno pabaya umano, higit 150 Atenean magsa-strike first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-pabaya-umano-higit-150-atenean-magsa-strike/)

Walang komento