Recent Posts

Breaking News

Giannis kuntento na ba? Bucks hinablot si Holiday

Sapat na ba si Jrue Holiday para maitali ng Milwaukee Bucks ang back-to-back NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo?

Nitong Martes ay ginulantng ng Bucks ang liga matapos na ikasa ang trade para kay Holiday mula sa New Orleans Pelicans.

Pinakawalan ng Bucks sina Eric Bledsoe, George Hill, at tumataginting na tatlong first-round pic para sa All-Star player, ayon sa report ng ESPN.

Si Holiday ang isa sa pinakamahusay na two-way guard ng liga, nakapasok sa All-Defensive team ng dalawang beses habang nag-aaverage ng double digit scoring.

Sa pagkuha kay Holiday, nakabuo din ng Big Three ang Bucks sa katauhan ni Khris Middleton, Holiday at Antetokounmpo.

Ngunit ang tanong ay kung mapapipirma ba ng Milwaukee si ‘Greek Freak’ ng supermax extension bago mapaso ang kontrata sa 2021.

The post Giannis kuntento na ba? Bucks hinablot si Holiday first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-kuntento-na-ba-bucks-hinablot-si-holiday/)

Walang komento