Recent Posts

Breaking News

Eustaquio sinisiw Korean fighter

Epektibo ang pagpapakitang-gilas ni Pinoy MMA fighter Geje Eustaquio nang talunin nito ang katunggaling si Song Min Jong ng Korea sa ONE: Inside Matrix III na ginanap sa Singapore.

Matikas ang galawan ng dating ONE flyweight world champion dahil sa unang bugso pa lamang ng kanilang girian ay nagpasiklab na ito.

Dahil sa pinakawalang mga solidong suntok at sipa ay tuluyang ginapi ng Pinoy fighter ang katunggali via unanimous decision.

Si Eustaquio ay nahubog sa Team Lakay at kabilang sa best martial artist sa bansa.

Katorse pa lang nang sumalang na ito sa kickboxing kasunod ng wushu hanggang sa mapabilang na sa national team.

The post Eustaquio sinisiw Korean fighter first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eustaquio-sinisiw-korean-fighter/)

Walang komento