Recent Posts

Breaking News

Duterte: Wala kaming tulog habang may bagyo!

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko matapos lumutang na naman sa social media ang “Nasaan ang Pangulo” hashtag sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa publiko ngayong Huwebes, sinabi ng Pangulo na puyat sila kasama ang mga opisyal ng gobyerno sa pagmomonitor sa sitwasyon ng mga lugar na sinagasa ng bagyo.

Kinontra ng Presidente ang kanyang mga kritiko na nagsabing wala itong ginagawa sa panahon ng bagyo.

Abala rin aniya ito sa pagdalo sa ASEAN summit kaya malinaw na hindi siya nagre-relax lang sa panahon ng kalamidad.

“May nagsabi na walang ginagawa, natutulog, wala kaming tulog dito. I am attending a summit ng ASEAN, ang participation natin is the virtual digital thing pero lahat kami nagsalita,” anang Pangulo.

Nanawagan ang Pangulo sa publiko na maging matatag at huwag panghinaan ng loob sa mga dinaranas na pagsubok partikular ang mga magkakasunod na bagyong nanalasa sa bansa, pati na rin ang nilalabanang COVID-19.

Sinabi ni Duterte na malalagpasan din ng bansa ang mga dinaranas na pagsubok kasabay ang panawagan sa sambayanan na makipagtulungan sa gobyerno. (Aileen Taliping)

The post Duterte: Wala kaming tulog habang may bagyo! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-wala-kaming-tulog-habang-may-bagyo/)

Walang komento