Recent Posts

Breaking News

Duterte tamad, Robredo mukha ng gobyerno noong bagyo – Trillanes

Pinagtanggol ni dating Senador Sonny Trillanes IV si Vice President Leni Robredo laban sa himutok ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pre-recorded speech kagabi, gigil na tinira ng Pangulo ang umano’y pagbibida ng Bise sa panahon na humahagupit ang Bagyong Ulysses sa bansa.

Sabi ni Duterte, nagsinungaling umano si Robredo nang umano’y kuwestiyonin nito ang pagkawala niya habang may bagyo.

“Back off, you lazy, incompetent fool! VP Leni did her duty and more. In fact, she was THE FACE OF GOVERNMENT during the typhoon,” bigkas ni Trillanes sa Twitter ngayong umaga.

“Di natin pwede payagan to. Let us all speak out and #DefendVPLeni,” dagdag niya.

Samantala, nauna nang kinlaro ni Robredo na hindi niya intensiyong makipagkumpetensiya sa Pangulo at gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ni Ulysses.

“Sa panahon ng matinding sakuna, dapat lahat na tulong, welcome. Hindi ito contest. Hindi tayo nag-uunahan,” tugon pa niya.

The post Duterte tamad, Robredo mukha ng gobyerno noong bagyo - Trillanes first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-tamad-robredo-mukha-ng-gobyerno-noong-bagyo-trillanes/)

Walang komento