Recent Posts

Breaking News

Duterte sa mga basher: Patawarin sana kayo ng Diyos

May mensahe ulit si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga naghanap sa kanya habang nananalasa sa bansa ang Bagyong Ulysses.

“Iyong nagsasabi kung nasaan kami, susmaryosep, patawarin sana kayo ng Diyos. We were working, We were here. There was a summit going on while the typhoon was passing by,” banggit ni Duterte sa maikling video message na inere ng state media, Nobyembre 14.

“Sabi ko, ‘Kapag dumaan ang typhoon, take off tayo.’ Gusto ko lumabas ng typhoon, [pero] ano magawa ko? The winds were howling, there was flooding, there was nobody as yet on the ground, doing whatever cleaning,” paliwanag pa niya.

Unang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na “hindi po dapat tanungin nasaan ang Pangulo” dahil “‘yan po ay kalokohan lang ng oposisyon” at dahil “ang Presidente po ay hindi nawawala, lagi po natin siyang kapiling.”

Dalawang beses nang nag-trend sa Twitter PH ang “#NasaanAngPangulo,” una noong Super Bagyong Rolly at pangalawa noong Bagyong Ulysses.

Hinahanap kasi ng mga netizen ang kongkretong plano ng Pangulo habang humaharap sa kalamidad ang taumbayan.

The post Duterte sa mga basher: Patawarin sana kayo ng Diyos first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-mga-basher-patawarin-sana-kayo-ng-diyos/)

Walang komento