Recent Posts

Breaking News

Duterte naglibot sa mga binahang lugar sa Metro Manila

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na matinding binaha dahil sa bagyong Ulysses sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa.

Matapos magsalita sa plenaryo ng 37th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa pamamagitan ng virtual feed, nagpaalam ang Pangulo sa mga kapwa lider ng ASEAN para lumabas at tingnan ang sitwasyon ng mga binahang residente.

Ibinalita rin ng Pangulo na sinalanta ng bagyong Rolly ang bansa nitong nakalipas na linggo at ngayon ay may panibagong bagyo na sumalanta sa bansa kaya kinakailangan niyang maglibot para makita ang sitwasyon ng mga mamamayan.

“We are now suffering in the midst of the storm of Typhoon Ulysses. There is a great damage and I may not be around to attend further in this regard for I have to go around and see what I can do for my people,” anang Pangulo.

Unang nilibot ng Pangulo at ni Senador Bong Go ang Marikina City na matinding binaha pati na ang Rodriguez, Rizal at iba lang lugar na sinalanta ng bagyong Ulysses.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na mayroong sapat na kagamitan ang Armed Forces of the Philippines at pati mga sundalo ay nauna nang nai-deploy bago pa man dumating ang bagyo para umalalay.

“Mayroon tayong mga assest na bago. Sa Coast Guard iyong gamitin nila sa tubig. The fast vessels that are with the Navy and ‘yung Air Force natin marami tayong helicopter,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte naglibot sa mga binahang lugar sa Metro Manila first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-naglibot-sa-mga-binahang-lugar-sa-metro-manila/)

Walang komento