Recent Posts

Breaking News

Duterte: Maglalaglag sa mga ghost project may P100K pabuya

Handang magbigay ng abot sa P100,000 si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga taong ikakanta ang mga nalalaman ukol sa ghost project ng mga opisyal ng gobyerno.

Ito’y kabilang sa paghalughog ng Pangulo sa mga tiwaling opisyal hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino,

“Pagka mayroon kang malaking sindikato, ghost project ni director p*** i***, I will give you 50,000. Bulong mo lang maski sino. Yung kaibigan mo. Wag ka nang magbigay ng pangalan. Sabihin mo lang yung kontrata ,” saad ni Duterte nitong Martes.

“Pag malalaking contract, huwag mo na sabihin pangalan, ibulong mo lang na niluluto yan. I’ll give you 100,000,” aniya pa.

Siniguro din ng Pangulo na hindi malalantad sinuman ang mag-tip sa mga ghost prject, at siya mismo pa ang babaril kapag sila’y na-harass ng mga politiko.

“I will keep your identity secret until I reach my grave. Hindi ko kayo bubukuhin, hindi ko kayo papasubo,” ayon sa Pangulo.

“At kung nalaman kayo tapos hina-harass kayo, paalamin mo ako. I will deal with the devil. ‘Yan ang gusto ko. Bumaril ng tao na legal. Kaya kung inaano ka, tinatakot ka. paalamin mo ako. I would be happy to make you happy,” aniya pa.

Ito’y kasunod sa pagpangalan ni Duterte ng mga opisyal sa Bureau of Corrections at Department of Public Works and Highways na umano’y sangkot sa korapsyon.

The post Duterte: Maglalaglag sa mga ghost project may P100K pabuya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-maglalaglag-sa-mga-ghost-project-may-p100k-pabuya/)

Walang komento