Recent Posts

Breaking News

Duterte: DPWH pugad ng mga demonyo

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways dahil sa umano’y talamak na korapsyon sa naturang ahensya.

Ngunit paliwanag ni Duterte, naniniwala siya na tingin niya’y tapat ang kalihim ng DPWH na si Mark Villar.

“Please understand that I don’t have anything against Villar, he’s very honest, he’s very good. Nakita mo naman sa trabaho niya,” lahad ng Pangulo nitong Linggo.

“The problem is the DPWH is inhabited with mga demonyo,” aniya pa.

May isang opisyal din ang nagpaabot sa Pangulo na ilan sa mga nasa listahan na kurakot na opisyal sa DPWH na nakaabot sa kanya ay umano’y patay na.

Sambit naman ni Duterte, “Buti, kundi patayin na lang natin din.”

Matatandaan na noong Oktubre ay bumuo ng task force ang Pangulo para tutukan ang alegasyon ng katiwalian sa DPWH.

The post Duterte: DPWH pugad ng mga demonyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-dpwh-pugad-ng-mga-demonyo/)

Walang komento