Recent Posts

Breaking News

Duterte dadalo sa 37th Asean summit

Nakatakdang makiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual summit ng ika-37th Association of South East Asian Nations (ASEAN) summit na magsisimula ngayong Huwebes hanggang linggo, November 12-15, 2020.

Inaasahang isusulong ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang isyu na may kinalaman sa public health emergency cooperation, regional economic integration, karapatan ng migrant worker at usapjn sa climate change.

Kasama rin sa inaasahang tatalakayin sa ASEAN summit ang usapin sa disaster risk reduction management, counter-terrorism at usapin sa South China Sea.

Inaasahang magkakaroon ng dayalogo si Pangulong Duterte at mga lider ng bansang miyembro ng ASEAN kaugnay sa ginagawang pagtugon sa COVID-19 at recovery effort.

Kasama ng Pangulo sa mga dadalo sa virtual ASEAN summit ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

The post Duterte dadalo sa 37th Asean summit first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-dadalo-sa-37th-asean-summit/)

Walang komento