Recent Posts

Breaking News

Duque: ‘Wag magpakampante sa pagbaba ng COVID case

Nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga Pilipino na huwag magpakampante sa unti-unting pagbaba ng naitatalang kaso ng coronavirus infections sa bansa.

Paliwanag ni Duque, na sa kabila ng downward trend sa bagong COVID-19 case ay nananatili ang banta ng pagsirit ng virus gaya na lamang sa Europe, na nagkukumahog na naman aniya para makontrol ang ikalawang outbreak.

Umaasa si Duque na hindi sapitin ng Pilipinas ang ikalawang outbreak ng coronavirus disease ng Europe.

“This downward trend is certainly a welcome development. But cases may again rise if we are not careful. We hope that we won’t suffer the same fate [as Europe],” lahad ni Duque.

“Let us not waste this triumph. Let us not be complacent. Let us not [let] our guard down,” dagdag niya.

The post Duque: ‘Wag magpakampante sa pagbaba ng COVID case first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-wag-magpakampante-sa-pagbaba-ng-covid-case/)

Walang komento