Recent Posts

Breaking News

Drilon: P10B dagdag para sa COVID bakuna ilusyon lang

Isang ilusyon lang umano ang panukalang P10 bilyong pondo para sa COVID-19 vaccine na kukunin sa unprogrammed funds, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dahil hindi naman tiyak kung makakalikom ng dagdag na revenue ang gobyerno sa 2021.

Sa simula ng debate sa panukalang 2021 national budget sa Senado, kinilala ni Drilon ang kabuuhang P18 bilyon na ilaan para sa COVID-19 immunization subalit kalahati nito ay tila nakabitin aniya sa ere.

“The budget for COVID 19 vaccines is only P8 billion. True, under the Committee Report, an additional P10 billion in unprogrammed funds is set aside for the purchase of the vaccine,” pahayag ni Drilon.

“But remember: allocations under the unprogrammed fund item cannot be tapped, unless the total revenues exceed the targets. Given this, it is clear that the additional P10 billion for COVID vaccine under the item on Unprogrammed Funds is, with all due respect, more apparent than real, an illusion,” dagdag pa nito.

Taliwas naman aniya ito sa P19 bilyon na inilaan naman sa anti-insurgency effort ng gobyerno kung saan P16.4 bilyon ay kukunin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mungkahi pa ni Drilon, mas mainam na gamitin na lang ang P19 bilyong anti-insurgency fund na pambili ng COVID-19 vaccine.

Pero giit ni Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara, ang NTF-ELCAC barangay development fund ay hindi para sa security sector budget.

Direkta aniyang ito mapupunta sa 800 insurgency-cleared barangay na karamihan ay sa Mindanao, Western Visayas, at Bicol Region.

The post Drilon: P10B dagdag para sa COVID bakuna ilusyon lang first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-p10b-dagdag-para-sa-covid-bakuna-ilusyon-lang/)

Walang komento