Recent Posts

Breaking News

Drilon: Bayanihan 3 walang sense

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukalang magkaroon ng ikatlong COVID-19 aid package dahil hindi pa aniya nakukumpleto ng ehekutibo ang pamamahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

“A Bayanihan 3 makes no sense. None at all,” pahayag ni Drilon sa kanyang text message sa mga reporter.

Nauna nang sinabi ni Senate Committee on Finance chair Sonny Angara na pinag-aaralan ng kanilang counterpart sa Kamara ang posibilidad na magkaroon ng ikatlong Bayanihan Law.

Ang Bayanihan 2 na nag-aatas sa executive branch na gumastos ng P165 bilyon para sa COVID-19 related project ay epektibo hanggang Disyembre 19 2020.

“A substantial portion of the funds (Bayanihan 2) have not been released, and funded programs and projects have not been implemented. Clearly, no sense for Bayanihan 3,” ayon pa kay Drilon.

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na nakapaglabas na sila ng P77.8 bilyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa kanilang mga programa bilang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa ilalim ng Bayanihan 2.

“We must recalibrate the 2021 budget to have more funds, effective January 1, 2021 for COVID 19 vaccines, calamities, for DOH, DSWD and other social services,” sabi ni Drilon.

Isinusulong ni Drilon sa Senado ang pag-realign ng P19 bilyon anti-insurgency fund sa social amelioration at iba pang programa na magpapalakas sa COVID-19 response ng pamahalaan.

“We must realign the P19B anti-insurgency NTF-ELCAC and P9B intel and confidential funds to address these critical and urgent need for social services,” sabi nito.

The post Drilon: Bayanihan 3 walang sense first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-bayanihan-3-walang-sense/)

Walang komento