Recent Posts

Breaking News

DOH: ‘Wag munang excited sa Pfizer COVID vaccine

Bagama’t maganda ang resulta ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa kanilang clinical trial, pinaalala ng Department of Health sa publiko na hindi muna dapat mag-expect dahil maaga pa para sabihing epektibo ito sa naturang virus.

Saad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ginagawa pa lamang ang naturang bakuna, na matagal pa ito bago maging available sa publiko.

“Itong bakuna ng Pfizer ay napaka-encouraging po, but we should temper our expectations and remain grounded on the reality na ginagawa pa lang ito,” saad ni Vergeire.

Sinegundahan din ni Vergeire ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat matakot sa COVID-19.

“Hindi naman kailangang matakot sa COVID-19. Ang kailangan natin maging laging vigilant, laging handa, laging cautious and aware, laging sumusunod sa minimum health standards,” saad ng DOH official.

Sa ilang report, sinabi na 90 percent ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa kanilang clinical trial.

The post DOH: 'Wag munang excited sa Pfizer COVID vaccine first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-wag-munang-excited-sa-pfizer-covid-vaccine/)

Walang komento