Recent Posts

Breaking News

DOH: Lumusong sa baha libre gamot sa leptospirosis, tetanus

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga indibiduwal na lumusong sa baha na dulot ng bagyong Ulysses na kumuha ng libreng gamot laban sa leptospirosis at tetanus sa pinakamalapit na health center.

“Iyong mga naglakad po sa tubig-baha dahil sa Typhoon Ulysses, please go to the nearest health center para mabigyan po kayo na prophylaxis for [preventing] leptospirosis,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online forum nitong Huwebes.

“Iyong mga nagkasugat naman po habang naglalakad sa baha, kailangan rin po pumunta sa health centers para mabigyan ng anti-tetanus shots at iyong para sa leptospirosis. Importante po ito dahil delikado po ang leptospirosis, nakamamatay,” dagdag niya.

Aniya, walang dapat alalahanin ang mga nangangailangan ng naturang gamot dahil libre raw iyon.

“Kailangan po mabigyan ng prophylaxis within 24 to 48 hours na lumusong sila sa flood waters. Ito po lahat ay libre,” ani Vergeire.

The post DOH: Lumusong sa baha libre gamot sa leptospirosis, tetanus first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-lumusong-sa-baha-libre-gamot-sa-leptospirosis-tetanus/)

Walang komento