Recent Posts

Breaking News

DILG: 99% ng mga mayor aktibo kay ‘Ulysses’

Halos lahat ng alkalde ay present sa pagtulong sa kanilang nasasakupan matapos humagupit ang bagyong Ulysses, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ani Año, sa 1,047 na mayor sa mga lugar na binayo ni “Ulysses” ay 1,038 ang present sa pagresponde matapos ang kalamidad.

Ang siyam aniyang absent ay may COVID-19 o mga naka-quarantine.

“Overall, the LGUs have performed their task using what resources are available to them, despite the same being inadequate. But as always, our LGUs always carry out their mandate of saving lives and ensuring the safety of their constituents,” wika ng Department of the Interior and Local Government (DILG) chief.

Sa ngayon ay nasa 14 ang nasawi habang tatlo ang nawawala dahil kay “Ulysses”, ani Año.

The post DILG: 99% ng mga mayor aktibo kay ‘Ulysses’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-99-ng-mga-mayor-aktibo-kay-ulysses/)

Walang komento