Recent Posts

Breaking News

Dedo kay Ulysses akyat sa 67

Ayon sa Office of Civil Defense ngayong araw, ang kabuuang dami ng mga namatay dahil sa Bagyong Ulysses ay pumalo na sa 67.

Batay sa OCD, na implementing arm ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming naitala sa Cagayan Valley na may 22 yumao.

Naunang sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kaya naging malubha ang pagbaha sa Cagayan Valley ay dahil sa pag-ulan mula sa ibang probinsya, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Samantala, ayon pa sa OCD, 17 ang pumanaw mula sa Calabarzon, 10 mula sa Cordillera, tig-8 mula sa Metro Manila at Bicol Region, at 2 mula sa Central Luzon.

The post Dedo kay Ulysses akyat sa 67 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dedo-kay-ulysses-akyat-sa-67/)

Walang komento