Recent Posts

Breaking News

Danao sa mga iskalawag: Mag-alsa balutan na kayo

Magiging mahigpit ang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Brigadier General Vicente Danao Jr., sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga kaya maaari na raw simulan ng mga itong umalis sa serbisyo.

“Oplan Linis means: Linisin ang tiwalag at scalawag na miyembro ng kapulisan and I will be very strict on that, especially on the administration of justice on everyone, so I expect that all members of Philippine National Police (PNP) especially in NCRPO would toe the line,” pahayag ni Danao sa isang talumpati, sa ginanap na change of command sa NCRPO headquarters sa Taguig City.

“Nakikiusap ako sa inyo: Let us put a stop especially on the anti-illegal drugs. Kung mayroon mang paisa-isa pa sa inyo na medyo nawawala ang landas, ngayon pa lang sinasabihan ko kayo: the door is always open for you to leave,” dagdag niya.

Si Danao ang naitalagang acting chief ng Metro Manila police kapalit ni Police General Debold Sinas, na naluklok namang bagong PNP chief.

The post Danao sa mga iskalawag: Mag-alsa balutan na kayo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/danao-sa-mga-iskalawag-mag-alsa-balutan-na-kayo/)

Walang komento