Recent Posts

Breaking News

Curfew sa Metro Manila pinaikli para sa ‘Simbang Gabi’

Pinaikli ng mga alkalde sa Metro Manila ang curfew hours na magsisimula sa Disyembre 1.

Sa televised press briefing mula sa Alcala, Cagayan noong Martes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagdesisyon ang mga alkalde na paikliin ang curfew hours mula hatinggabi hanggang alas-3:00 ng madaling-araw para makapag-Simbang Gabi ang mga Katoliko.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine gaya ng Metro Manila, 30 porsyento lang ng church capacity ang pinapayagan sa religious gathering.

Ani Roque, maaari namang i-adjust ng lahat ng local government ang kanilang curfew para sa “Simbang Gabi”.

“All local governments have been given the discretion as to what will be their curfew hours,” saad niya.

The post Curfew sa Metro Manila pinaikli para sa ‘Simbang Gabi’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/curfew-sa-metro-manila-pinaikli-para-sa-simbang-gabi/)

Walang komento