Recent Posts

Breaking News

COVID vaccine magagawa ng Russia para sa PH sa Enero

Enero 2021 pwede nang simulan ng Russia ang produksiyon nito ng COVID-19 vaccine para sa Pilipinas, kung handa ang ating bansa na tanggapin ito.

“It’s subject to doing our own due diligence on it but they can start producing for us–because they have to produce it as it is ordered–as early as January, if we are ready to accept it,” banggit ni Manila’s Ambassador to Moscow Carlos Sorreta sa isang Palace news conference kahapon.

Ginawa ni Sorreta ang pahayag ilang araw matapos iulat ng developers ng Sputnik V na 92% itong epektibo sa pagpigil sa mga tao na mahawa sa virus, batay sa interim results ng trial nito.

Noong Agosto, sinabi ng Pilipinas na handa itong makipagtulungan sa Russia hinggil sa mga clinical trial, vaccine supply at production, at iba pang paksa na maituturing nilang mahalaga para maresolba ang COVID-19 crisis.

Balak ng bansa na bumili ng paunang 50 million doses ng coronavirus vaccine sa susunod na taon.

The post COVID vaccine magagawa ng Russia para sa PH sa Enero first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-vaccine-magagawa-ng-russia-para-sa-ph-sa-enero/)

Walang komento