Recent Posts

Breaking News

COVID ‘di na masyadong nakakatakot – Duterte

Hindi na nakakatakot tulad ng dati ang COVID-19, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mensahe sa bayan ng Pangulon nitong Martes ng gabi, sinabi nito na dahil sa parating na bakuna ay nabawasan na ang pagkatakot sa naturang sakit.

“Pfizer of America, meron na sila (bakuna). So hindi na nakakatakot talaga ang COVID,” lahad ni Duterte.

Aniya, handang mangutang ang gobyerno ng $300 million na gagastusin para sa COVID-19 vaccine base kay Finance Secretary Sonny Dominguez III.

Ang naturang bakuna na tinutukoy ni Duterte ay ang nagmula sa Pfizer na anila’y abot sa 90 percent ang bisa ng kanilang bakuna sa clinical trial.

Siniguro din ng Pangulo na gobyerno ang gagastos para sa bakuna ng bawat Pilipino.

“But sa ngayon, pag nagbili ka mahal. But I promise, gastos ng gobyerno ang bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya umpisahan natin sa mahihirap,” ayon sa Pangulo.

The post COVID 'di na masyadong nakakatakot - Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-di-na-masyadong-nakakatakot-duterte/)

Walang komento