Recent Posts

Breaking News

COVID case tumataas, Davao City naghigpit

Nagpatupad ng dalawang bagong executive order ang Davao City government upang maghigpit sa paglabas ng mga residente sa kani-kanilang bahay.

Bawal na rin muna ang non-essential travel sa Davao City.

Bilang tugon ito sa nagpapatuloy na pag-akyat ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod.

Sa EO, pinanumbalik ang paggamit ng food at medicine pass, na inisyu noong Marso sa kasagsagan ng lockdown, para makalabas at makabili ng pagkain at gamot ang mga residente.

Limitado na rin ang mga non-city resident na papasok at lalabas sa lungsod, matapos aprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force ang pagsailalim sa Davao City bilang “restricted LGU.”

Samantala, nilinaw ni Mayor Sara Duterte na makakalabas pa rin ang mga worker, healthcare, at emergency personnel para magtrabaho basta magpapakita ng kaukulang dokumento para sa essential travel.

As of November 15, may 1,774 active COVID-19 case sa lungsod.

The post COVID case tumataas, Davao City naghigpit first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-tumataas-davao-city-naghigpit/)

Walang komento