Recent Posts

Breaking News

COVID-19 vaccine na hindi nasubukan sa ‘Pinas malabong maaprub – DOST

Malabong mapagkalooban ng emergency approval sa Pilipinas ang coronavirus vaccine na hindi sa bansa isinagawa ang mga clinical trial, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña.

“Maybe it’s the Food and Drug Administration (FDA) that can decide on that … I doubt whether we will follow the emergency approvals [granted overseas] if the trials were not done here,” ani Dela Peña sa isang news briefing nitong Martes.

Reaksyon iyon ni Dela Peña matapos ianunsyo ng US drug maker na Pfizer Inc., noong Lunes na kukuha ito ng emergency use authorization mula sa US FDA para sa nilikha nilang COVID-19 vaccine ng German pharmaceutical company na BioNTech.

Sinabi ng Pfizer, isa sa pinakamalaking pharmaceutical company sa mundo, na 90 porsiyentong epektibo ang bakuna nila laban sa virus, batay sa isinagawang malawakang clinical test.

Pero ani Dela Peña, ang naturang pahayag ng Pfizer ay dapat munang maberipika sa Pilipinas.

“First, if [Pfizer] will conduct clinical trials here, the data gathered will pass through our vaccine expert panel and it will be verified by it. Because the 90 percent that they announced, they were the ones that did the announcement. We don’t know the details yet. We don’t know the data supporting it. If there are clinical trials here, we can verify it,” paliwanag ng DOST chief.

The post COVID-19 vaccine na hindi nasubukan sa ‘Pinas malabong maaprub - DOST first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-vaccine-na-hindi-nasubukan-sa-pinas-malabong-maaprub-dost/)

Walang komento