Recent Posts

Breaking News

COVID-19 patient, staff sa ilang quarantine site nilipat sa mga hotel

Mahigit 200 pasyenteng may coronavirus disease at staff member sa iba’t ibang treatment at monitoring facility sa Metro Manila ang inilipat sa mga hotel dahil sa bagyong Ulysses.

Sa tulong ng COVID-19 Oplan Kalinga Team, nadala sa mga hotel ang mga pasyente at staff mula sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Philippine Arena sa Bulacan at Philippine International Convention Center (PICC), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

36 pasyente at 26 staff sa Ninoy Aquino Stadium ang dinala sa Nice Hotel Mandaluyong, 41 pasyente at 26 staff naman sa Rizal Memorial Stadium ang nilipat sa Nice Hotel Arayat.

Dinala sa Nice Hotel McArthur ang 41 pasyente at 15 staff mula sa Philippine Arena.

May 28 pasyente at 32 staff mula sa PICC ang nilipat naman sa Nice Hotel North EDSA.

Naglaan na, ayon sa DOH, ang Centers for Health Development ng mga gamot, medical supplies, health kit at iba pang COVID-19 supply na nagkakahalaga ng P26 milyon.

The post COVID-19 patient, staff sa ilang quarantine site nilipat sa mga hotel first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-patient-staff-sa-ilang-quarantine-site-nilipat-sa-mga-hotel/)

Walang komento