Recent Posts

Breaking News

COVID-19 nakita sa packaging ng hipon galing Saudi

Nagpositibo sa coronavirus ang mga packaging ng frozen shrimp na inangkat ng China mula sa Saudi Arabia.

Ayon sa report ng Global Times, nakapasok sa China ang batch ng mga frozen shrimp sa pamamagitan ng Tianjin ports.

Inihatid iyon sa Jiaojiawan frozen food plant na matatagpuan sa Lanzhou noong November 8.

Sa 345 packages ng hipon na natanggap ng Lanzhou food plant, 82 ang naibenta na sa mga palengke.

Naihiwalay naman na umano lahat ng packages.

Natunton din ng mga awtoridad sa Lanzhou ang 32 katao na maaaring na-expose sa virus kabilang ang driver at naka-quarantine na sa Chengdu City.

The post COVID-19 nakita sa packaging ng hipon galing Saudi first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-nakita-sa-packaging-ng-hipon-galing-saudi/)

Walang komento