Recent Posts

Breaking News

Cone, Ginebra relaks habang walang kalaban

Unang bumiyahe sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble, sasamantalahin ng Ginebra ang pagkakataon para i-scout ang makakatapat sa next round.

San Miguel Beer o Meralco?

Alinman sa dalawa, siguradong pukpukan.

Gins ang umawat sa grand slam bid ng Beermen noong nakaraang Governors Cup nang sipain ang team ni coach Leo Austria sa quarterfinals.

Mula 2016, tatlong beses nang hinihiya ng Gins ang Bolts sa titulo ng season-ending conference.

“It’s always nice to know who you are going to play because you can start preparations,” ani coach Tim Cone.

Umusad ang crowd darlings nang daanin sa isang bigwasan lang ang Rain or Shine 81-73 sa Smart 5G-powered Angeles University Foundation gym.

Namemeligrong masagad ang twice-to-beat edge ng No. 1 Gins nang dikitan ng Elasto Painters 72-71 higit 4 minutes pa. Pero kumana ng back-to-back baskets si Stanley Pringle, sinundan ng basket ni Aljon Mariano at 3 ni LA Tenorio at bigla ay abante na ng 10 sa final minute.

Namuno ang 23 points at 11 rebounds ni Japeth Aguilar sa Ginebra, tig-11 sina Mariano at Prince Caperal. Tumapos si Pringle ng 10, may 8 points at 8 assists si Tenorio kabilang ang 3,000th ng career nang subuan si Aguilar sa second quarter.

Naging 11th member ng 3,000-assist club si LA, pangalawa sa active players pagkatapos ni Alex Cabagnot ng SMB.

Laglagan ngayong araw ang Beermen at Bolts. Twice-to-beat din ang SMB pero naisahan ng Meralco 78-71 noon ding Biyernes.

“This gives us a chance (to rest), especially in this bubble situation where the games are so fast and the guys are worn down,” dagdag ni Cone.

The post Cone, Ginebra relaks habang walang kalaban first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cone-ginebra-relaks-habang-walang-kalaban/)

Walang komento