Recent Posts

Breaking News

Chris Paul lipat na sa Phoenix Suns

May bagong Big Three na nabuo sa Phoenix, Arizona.

Ito’y matapos na mapaulat ng ESPN na na-trade na ng Oklahoma City Thunder si Chris Paul sa Phoenix Suns.

Kapalit ni Paul ay sina Kelly Oubre Jr., Ricky Rubio, Jalen Lecque at Ty Jerome, kasama pa ang 2022 first round pick.

Lipat din kasama ni Paul ang forward na si Abdel Nader.

Sa edad na 35, pinatunayan ni Paul na siya pa rin ang ‘Point God’ ng NBA nang sungkitin ang fifth seed sa bigating Western Conference bilang nag-iisang All-Star caliber player sa OKC.

Sa kanyang nag-iisang season sa Thunder, nag-average si Paul ng 17.6 points, 6.7 assists at 5.0 rebounds at napabilang sa All-NBA 2nd team buhat noong 2016.

Sasamahan ni Paul ang dalawang batang star player ng Suns na sina Deandre Ayton at Devin Booker.

Para naman sa OKC, sasalang na sila sa rebuilding mode kung saan 17 first round picks ang kanilang hawak sa susunod na anim na taon.

The post Chris Paul lipat na sa Phoenix Suns first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chris-paul-lipat-na-sa-phoenix-suns/)

Walang komento