Recent Posts

Breaking News

Caron Butler dagdag sa coach ng Miami

Isang dating NBA player ang magiging bagong armas ni Miami Heat tactician Erik Spoelstra sa kanyang staff.

Ito’y matapos makumpirma ang pagpirma ni Caron Butler para maging assistant coach sa Miami para palitan si Dan Craig, na lumipat sa LA Clippers.

“This is something I’ve always wanted to do. I just felt like this was my calling,” ayon kay Butler.

Na-draft si Butler sa NBA matapos sungkitin ng Heat taong 2002, ngunit na-trade din at nanatili sa liga ng 14 taon.

Bukod kay Butler, ang dalawang assistant coach na sina Chris Quinn at Malik Allen ay naging NBA player din.

The post Caron Butler dagdag sa coach ng Miami first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/caron-butler-dagdag-sa-coach-ng-miami/)

Walang komento