Recent Posts

Breaking News

Budget debate sa Senado awat kay Ulysses

Ipinagpaliban ang deliberasyon ng P4.5-trillion national budget para sa 2021 matapos mawalan ng kuryente, telepono at internet ang Senado dahil sa Bagyong Ulysses.

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na nagdesisyon siyang suspendihin ang deliberasyon at ipapapatuloy na lang sa Lunes, Nobyembre 16, ganap na alas-10 ng umaga.

Batay sa impormasyong ibinigay ni Senate Sergeant-At-Arms Rene Samonte, walang power supply ang buong tanggapan ng Senado matapos masira ang transformer dahil sa malakas na hangin at ulan noong Miyerkoles ng gabi.

Dapat sana’y magpapatuloy ng deliberasyon alas-2:00 ng hapon ngayong Huwebes subalit hindi natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon. (Dindo Matining)

The post Budget debate sa Senado awat kay Ulysses first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/budget-debate-sa-senado-awat-kay-ulysses/)

Walang komento