Recent Posts

Breaking News

Bayan kay Duterte: Walang nagpapalangoy sa’yo

Sinagot ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary-General Renato Reyes Jr. ang sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte habang hinahagupit ng Bagyong Ulysses ang bansa.

Kahapon, sinabi ni Duterte na kung hindi siya hinarang ng Presidential Security Group (PSG) ay lalangoy siya para makita ang lagay ng mga binahang Pinoy.

“Gusto kong lumabas, gusto kong lumangoy. Matagal na ‘kong ‘di naligo, e kaya lang, ayaw ng mga sundalo. Sila ang ayaw maligo, ibig sabihin,” aniya pa.

Tugon ni Reyes sa Twitter, “No one asked you to swim.”

“People needed clear guidelines, early warnings, sufficient resources and logistics and preemptive measures. Di mo kailangang lumangoy sa baha,” dagdag niya.

The post Bayan kay Duterte: Walang nagpapalangoy sa'yo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-kay-duterte-walang-nagpapalangoy-sayo/)

Walang komento