Recent Posts

Breaking News

Batanes niyanig ng lindol

Inuga ang Batanes ng magnitude 4.4 na lindol, Lunes ng hapon.

Ayon sa earthquake bulletin ng Phivolcs, tumama ang tectonic earthquake alas-3:19 ng hapon, Nobyembre 16, sa 110 kilometro northwest ng bayan ng Itbayat.

Mayroong lalim ang nasabing lindol na umabot sa 33 kilometro.

Sinabi naman ng Phivolcs na hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ni aftershock ang nasabing lindol.

The post Batanes niyanig ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batanes-niyanig-ng-lindol/)

Walang komento