Recent Posts

Breaking News

Bantay Ulysses: Signal No. 3 tinaas sa Metro Manila, 11 pang lugar

Sinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang ilang lugar sa bansa dahil sa banta ng bagyong Ulysses sa Luzon.

Sa severe weather bulletin ng Pagasa alas-11 ng tanghali nitong Miyerkoles, posibleng umabot sa 130 hanggang 155 kilometer per hour ang peak intensity ng naturang bagyo.

Posible itong mag-landfall Miyerkoles ng gabi o Huwebes ng umaga sa Polillo Islands at sa mainland ng Quezon province.

Heto ang ilang sa TCWS na nakataas sa ilang lugar sa bansa:

TCWS No. 3:

– Metro Manila
– Timog bahagi ng Aurora
– Timog bahagi ng Nueva Ecija
– Silangang bahagi ng Pampanga
– Bulacan
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Hilaga at gitnang Quezon kasama ang Polillo Islands
– Catanduanes
– Camarines Norte
– Hilagang bahagi ng Camarines Sur

TCWS No. 2:

– Gitna at timog bahagi ng Quirino
– Gitna at timog bahagi ng Nueva Vizcaya
– Timog bahagi ng Benguet
– Timog bahagi ng La Union
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Tarlac
– Natitirang bahagi ng Pampanga
– Natitirang bahagi ng Nueva Ecija
– Natitirang bahagi ng Aurora
– Batangas
– Natitirang bahagi ng Quezon
– Marinduque
– Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
– Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
– Natitirang bahagi ng Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Burias at Ticao Islands

TCWS No. 1

– Isabela
– Natitirang bahagi ng Quirino
– Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Natitirang bahagi ng Benguet
– Abra
– Ilocos Sur
– Natitirang bahagi ng La Union
– Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
– Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
– Romblon
– Natitirang bahagi ng Masbate
– Northern Samar
– Hilagang bahagi ng Samar
– Hilagang bahagi ng Eastern Samar

The post Bantay Ulysses: Signal No. 3 tinaas sa Metro Manila, 11 pang lugar first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bantay-ulysses-signal-no-3-tinaas-sa-metro-manila-11-pang-lugar/)

Walang komento