Recent Posts

Breaking News

Bantay Ulysses: OCD Asec. sinisi madla sa hindi agad paglikas

Tinanggi ng Office of Civil Defense (OCD) na hindi handa ang gobyerno sa bagsik ng Bagyong Ulysses sa Luzon, ngayong umaapaw ang mga nanghihingi ng tulong dahil na-trap sila sa baha.

Ang dapat umanong sisihin ay ang mga mamamayan na hindi agad sumunod sa maagang warning ng mga public official na lumikas na.

“We were actually not caught flat-footed sa event na ‘to,” sabi ni OCD Assistant Secretary Casiano Monilla sa media briefing ngayong Huwebes, Nobyembre 12.

“Kung minsan kasi, ‘pag nag-ikot ang mga local officials, hindi kaagad sumusunod ang mga kababayan natin. Mas nagre-rely tayo kung ano ang ating nararamdaman, o prevailing na situation na ating nararamdaman, rather than the advice na binibigay po ng PAGASA,” aniya pa na pinatutungkulan ang state weather bureau.

Pinakilos na ng Palasyo ang Philippine Coast Guard at Hukbong Sandatahan para tulungan ang mga residenteng nasa bubungan ng kanilang bahay matapos malubog sa tubig-baha sa Marikina City, San Mateo at Rodriguez, Rizal.

Samantala, naunang sinabi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na “hindi na kakayanin ng LGU lang” at “kailangan na ng tulong ng private sector” sa pag-rescue sa mga residenteng apektado ng bagyo.

The post Bantay Ulysses: OCD Asec. sinisi madla sa hindi agad paglikas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bantay-ulysses-ocd-asec-sinisi-madla-sa-hindi-agad-paglikas/)

Walang komento