Recent Posts

Breaking News

Baha mas malala sa pinaghandaan namin – Cagayan Gov.

Naghanda umano ang Cagayan provincial government sa inaasahang pagbaha sa lalawigan.

Pero sadyang “napakalaki” ng tubig na bumuhos sa kanilang mga bayan kahit pa walang typhoon signal sa Cagayan habang nananalasa sa Luzon ang Bagyong Ulysses, ayon pa kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

“Nakapaghanda po kami, no question about that. We anticipated this, we had preemptive evacuation, we had forced evacuation. We anticipated this, but we did not anticipate how enormous ‘yung tubig na darating,” banggit ng gobernador sa Laging Handa briefing kahapon.

Aniya, nakaranas din naman ang mga residente ng pagbaha noon lang nakaraang taon, at inasahan na ganoon lang kalala ang magiging pagbaha ngayon, pero mas malala pala ang water level ngayon.

“Ngayon lang naman naulit ito,” sabi ni Mamba na patungkol sa 1975 flooding sa nasabing lugar.

“That’s why many were surprised, but really, we prepared for this, but this is worse than we prepared for,” dagdag niya.

Naunang sabi ni Mamba, kaya naging malubha ang pagbaha sa Cagayan Valley ay dahil sa pag-ulan mula sa ibang probinsya, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Sa ngayon, hindi bababa sa siyam ang patay doon.

The post Baha mas malala sa pinaghandaan namin - Cagayan Gov. first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/baha-mas-malala-sa-pinaghandaan-namin-cagayan-gov/)

Walang komento