Recent Posts

Breaking News

Año: Dam magpakawala na ng tubig bago bumagyo

Minungkahi ni Interior Secretary Eduardo Año na dapat buksan na ang mga dam bago pa man tumama ang bagyo sa kalupaan.

Ito’y kasunod ng pagpapakawala ng tubig ng anim na dam habang nananalasa ang bagyong Ulysses, na nagpalala ng pagbaha sa ilang lugar, partikular sa Cagayan Valley.

“Dapat before the bagyo pwede na tayong magbukas lalo na kung meron tayong forecast kung gaano kalaki yung ulan na darating,” lahad ni Año.

Aniya pa, dapat na itoka sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagkontrol sa mga dam sa oras na mayroong nagbabadyang bagyo sa bansa.

“I will propose na pag-usapan namin sa NDRRMC na sa times ng calamity o typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan pwede magbukas, ilang gate, para controlled natin,” saad pa ni Año.

The post Año: Dam magpakawala na ng tubig bago bumagyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ano-dam-magpakawala-na-ng-tubig-bago-bumagyo/)

Walang komento