Recent Posts

Breaking News

Anak ni Trump tinamaan ng COVID

Sapol ng COVID-19 ang anak ni US President Donald Trump na si Donald Trump Jr.

Ito’y matapos ianunsyo ng tagapagsalita nito na naka-quarantine ngayon sa sariling cabin ang anak ng US president.

Saad pa ng spokesperson, walang nararamdaman na sintomas si Donald Jr.

“He’s been completely asymptomatic so far and is following all medically recommended COVID-19 guidelines,” saad sa isang pahayag.

Matatandaan na nagpositibo din sa COVID-19 si Trump habang nangangampanya sa 2020 US presidential elections.

The post Anak ni Trump tinamaan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anak-ni-trump-tinamaan-ng-covid/)

Walang komento