Recent Posts

Breaking News

Alvarez umalis sa PDP-Laban

Lumayas na si dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa PDP-Laban party, matapos maging secretary-general nito nang halos limang taon.

Napilitan aniya siyang gawin ito para maipagpatuloy ang kanyang hangad na voter’s education campaign para sa mga Pinoy.

“Unfortunately, serving as a ranking officer and member of PDP-Laban while simultaneously handling this advocacy may be misconstrued by critics as politicking by the Party presently in power,” sabi ni Alvarez sa pahayag na nilabas ng kanyang tanggapan ngayong Linggo.

Matapos ito, tinanggap ni Alvarez ang alok ni dating Defense Secretary Renato de Villa na maging chairman at buhayin muli ang Reporma, isang non-mainstream party na walang pagkakaugnay sa alinmang personalidad na baka maging presidentiable.

“This way, the voter’s education campaign can proceed, and rightly be perceived, as politically neutral without risking possible backlash against PDP-Laban,” aniya pa.

Matatandaang naging House Speaker si Alvarez mula 2016 hanggang 2018, kaso tinanggal siya sa puwesto matapos ang coup d’etat ng mga mambabatas sa ikatlong SONA ni Presidente Rodrigo Duterte. Pinalitan siya ni noo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

The post Alvarez umalis sa PDP-Laban first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alvarez-umalis-sa-pdp-laban/)

Walang komento