Recent Posts

Breaking News

Abu Sayyaf lider dakma sa engkuwentro sa Sulu

Isang subleader ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto sa sumiklab na bakbakan sa Patikul, Sulu.

Kinilala ng Philippine Army ang nahuling lider na si Amah Ullah, tiyuhin at adviser ng isa pang ASG subleader.

Nagsimula ang sagupaan ng alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa Sitio Tubig Kawas, Barangay Latih, ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (Westmincom).

Nakasagupa ng mga tropa ng 17th Special Forces Company at 6th Special Forces Battalion ang nasa pitong terorista na tumagal ng sampung minuto.

Iniwan ng mga rebelde ang mga sugatan nilang kasama, ani Westmincom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan.

Habang tinutugis naman aniya ang mga tumakas na rebelde ay nasakote ang sugatang si Ullah.

The post Abu Sayyaf lider dakma sa engkuwentro sa Sulu first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abu-sayyaf-lider-dakma-sa-engkuwentro-sa-sulu/)

Walang komento