Recent Posts

Breaking News

Abogado sa Palawan pinatay

Namatay ang isang abogado matapos siyang tambangan sa Narra, Palawan ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, Nobyembre 17, sakay ng kanyang kotse ay pinahinto ang biktimang si Atty. Eric Jay Magcamit ng dalawang hindi pa kilalang suspek.

Pagkatapos niyang lumabas ng sasakyan ay pinagbabaril siya, na sanhi ng agaran niyang pagpanaw.

Napaulat na si Magcamit na ang pang-52 abogado na pinaslang sa ilalim ng gobyernong Duterte.

The post Abogado sa Palawan pinatay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abogado-sa-palawan-pinatay/)

Walang komento