Recent Posts

Breaking News

5 todas sa Nueva Vizcaya landslide

Lima ang nasawi habang siyam ang nawawala sa pagguho ng lupa sa Sitio Kinalabasa, Sitio Compound at Sitio Bit-ang sa Barangay Runrunu, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa inisyal na report mula sa Police Regional Office 2, naganap ang landslide bandang alas-4:00 ng hapon nitong Huwebes.

Ani PRO 2 Information Officer Police Lt. Col. Andree Abella, lumambot ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan ng bagyong Ulysses.

Nalibing sa makakapal na putik at bato ang mga bahay sa nabanggit na mga lugar, na pawang mga gawa sa light material.

Tatlo sa nasawi ay mula sa Sitio Bit-ang habang tig-isa sa Sitio Kinalabasa at Sitio Compound.

Anim namang residenteng nawawala ay sa Sitio Bit-ang habang tatlo sa Sitio Compound.

Samantala, nagpapatuloy pa ang ginagawang search, rescue at retrieval operation ng mga tauhan ng Quezon Municipal Police, Nueva Vizcaya Provincial Police Office at Provincial Disaster Risk Reduction Management.

The post 5 todas sa Nueva Vizcaya landslide first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-todas-sa-nueva-vizcaya-landslide/)

Walang komento