Recent Posts

Breaking News

30K typhoon victim bibigyang-trabaho ng DOLE

Makakukuha ng emergency employment ang mahigit 30,000 informal sector worker mula sa mga probinsyang hinagupit ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, makikinabang ang mga indibidwal sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng ahensiya, kung saan iha-hire sila para linisin ang mga basurang iniwan ng bagyo sa lalawigan.

Target aniya nilang kumuha ng mga manggagawa mula sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol.

“Probably 30,000 to 40,000 (are the target beneficiaries) on the areas that we have mentioned,” banggit ni Tutay sa isang online forum kahapon.

Ang pondo pampasahod sa mga magiging kawani ay kukunin mula sa Bayanihan 2. Papasahurin sila batay sa minimum wage sa probinsya kung saan sila maha-hire.

“So far, I think it’s sufficient, the budget that was allocated to the program under Bayanihan 2. We advised our regional directors to use up the funds and if they need additional, we are ready to provide it,” sambit pa ng DOLE official.

The post 30K typhoon victim bibigyang-trabaho ng DOLE first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/30k-typhoon-victim-bibigyang-trabaho-ng-dole/)

Walang komento